My Blog List

My Blog List

Sabado, Agosto 17, 2019



Ating sagutin ang katanungan ng isang MCGI member gamit ang Banal na Kasulatan.
Narito ang kaniyang katanungan,
馃憞馃憞馃憞

馃攷
TANONG: Noong oras na sinubok ng Dios si Abraham, alam na ba kaagad untimano ng Dios kung susunod ba si Abraham?

SAGOT: OO! Alam ng Dios kung susunod si Abraham sa kaniya o hindi. Sapagkat ang Dios ay makapangyarihan sa lahat at nakakaalam ng lahat ng mga bagay (Job 37:16; Psalm 139:2–4, 147:5; Proverbs 5:21; Isaiah 46:9-10; and 1 John 3:19–20)

Alam ng Panginoong Dios ang laman ng bawat puso at isip ng tao:
馃憞馃憞馃憞
"Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao ..." (MGA AWIT 94:11 ABTAG)

"Pero ako, ang Panginoon , alam ko ang puso at isip ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa ayon sa pag-uugali at mga gawa niya." (Jeremias 17:10 ASND)

Alam din ng Panginoong Dios ang ginagawa ng tao, bago pa man gawin ng tao ang kaniyang nais ay alam na ito ng Dios, sapagkat ang tao ay walang maililihim sa Dios na nakakaalam ng lahat ng bagay.
馃憞馃憞馃憞
"Panginoon , siniyasat n始yo ako at kilalang-kilala. Nalalaman n始yo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman n始yo ang lahat ng aking iniisip. Nakikita n始yo ako habang ako始y nagpapahinga o nagtatrabaho. Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo." (Salmo 139:1‭-‬3 ASND)

"Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi'y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim." Mga Awit 139:4 MBB05)

Ngunit baka itanong ang ganito馃憞馃憞馃憞
TANONG: Kung alam ng Dios ang lahat ng bagay, bakit pa kailangang subukin ang kaniyang mga lingkod?

SAGOT: Kaya pinaparaan sa pagsubok ng Panginoong Dios ang isang tao, sapagkat sa pamamagitan ng pagsubok, ang pananampalataya ng isang tao ay nahahayag kung ito ay tunay o hindi. Sapagkat kung walang pagsubok ay walang pagkakataon ang tao na patunayan ang kaniyang pagmamahal at pagtitiwala sa Dios.

"DAHIL DITO, DAPAT KAYONG MAGALAK SA KABILA NG IBA始T IBANG PAGSUBOK, DAHIL ANG MGA PAGSUBOK NA ITO始Y PANANDALIAN LANG, AT DAPAT NINYONG MARANASAN, PARA MASUBUKAN KUNG TALAGANG TUNAY ANG PANANAMPALATAYA NINYO. Katulad ng ginto, sinusubok ito sa apoy para malaman kung tunay o hindi. Pero mas mahalaga ang pananampalataya natin kaysa sa ginto na nawawala. Kaya kapag napatunayang tunay ang pananampalataya n始yo, papupurihan kayo始t pararangalan pagdating ni Jesu-Cristo. Kahit hindi n始yo siya nakita ay mahal n始yo siya, at kahit hindi n始yo pa siya nakikita hanggang ngayon, sumasampalataya pa rin kayo sa kanya. At nag-uumapaw ang inyong kagalakan na hindi kayang ipahayag ng bibig, dahil tinatanggap n始yo ang bunga ng pananampalataya n始yo, na walang iba kundi ang inyong kaligtasan." (1 Pedro 1:6‭-‬9 ASND)

***
Malugod po namin kayong inaanyayahan sa aming mga pagsamba.

Kung may katanungan po kayo, maaari po kayong magtungo sa pinakamalapit na kapilya ng Iglesia Ni Cristo sa inyong lugar at makipag-ugnayan po kayo sa mga ministro o manggagawa para sa pag-aaral ng mga salita ng Diyos.



FACEBOOK POST::