My Blog List

My Blog List

Miyerkules, Mayo 29, 2019

Gugustuhin mo bang sumama sa relihiyon na nagtataguyod ng ganitong aral?




👇👇👇

Ayon sa aral ng Saksi Ni Jehovah:
"Not all of Jehovah's witnesses expect to go to heaven....
An unnumbered crowd of faithful persons now working as Jehovah's witnesses are sometimes called his "other sheep" or "Jonadabs", .... They do not expect to go to heaven. " (Let God Be True, WATCH TOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY, page 231)
FILIPINO: "HINDI LAHAT NG MGA SAKSI NI JEHOVAH AY UMAASANG TUTUNGO SA LANGIT....
Ang mga hindi mabilang na tapat na kaanib na gumagawa bilang mga Saksi Ni Jehovah na minsang tinanatawag na "ibang tupa" o "Jonadabs", .... SILA AY HINDI UMAASA NA TUTUNGO SA LANGIT."

Huwag nawa naiisin ng sinuman na umanib o sumama sa isang organisasyong may katuruang "HINDI UMAASA NA TUTUNGO SA LANGIT." Sapagkat ang ganyang paniniwala ay taliwas sa itinuturo ng Banal na Kasulatan.

Malinaw na itinuturo ng Banal na Kasulatan na ang mga alagad ng Dios ay naghahangad ng makalangit na pamumuhay.

👇👇👇

Itinuturo ng Panginoong Cristo Hesus na ang kaniyang mga alagad ay dapat magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nakalaan sa kanila na nasa langit.

*[[Luk 6:23]] DTag+AMB* Magdiwang kayo sa araw na iyon at lumundag sa tuwa dahil makikita n'yo, MALAKI ANG INYONG GANTIMPALA SA LANGIT, dahil ganyan din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.

Itinuturo din ni Apostol Pablo at ni Apostol Pedro na ang pagkamamayan ng mga alagad ng Panginoong Hesus ay nasa langit at doon sa langit makakamtan ang manang hindi nasisira, walang dungis at hindi kumukupas.

*[[Phi 3:20-21]] DTag+AMB* Sapagka't ANG ATING PAGKAMAMAYAN AY NASA LANGIT; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.

*[[1Pe 1:4]] DTag+AMB* Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, na INILAAN SA LANGIT para sa inyo,

*[[2Pe 3:13]] DTag+AMB* Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng BAGONG LANGIT at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran.

*[[Heb 11:16]] DTag+AMB* Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG LANGIT: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.

*[[2Ti 4:18]] DTag+AMB* Ako'y ililigtas ng Panginoon sa bawa't gawa ng masama, AT AKO'Y KANIYANG IINGATAN SA KANIYANG KAHARIAN SA LANGIT: na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

*[[Col 1:5]] DTag+AMB* DAHIL SA PAGASA NA NATATAAN PARA SA INYO SA LANGIT, na nang una ay inyong narinig sa salita ng katotohanan ng evangelio,

*[[2Co 5:2]] DTag+AMB* Sapagka't tunay na sa ganito kami ay nagsisihibik, NA NANGAGNANASANG MABIHISAN KAMI NG AMING TAHANANG MULA SA LANGIT:

Ngunit, sino-sino ba ang mga alagad ng Panginoong Cristo Hesus na tutungo sa langit?

Ayon sa pagtuturo ng Banal Na Kasulatan, ang mga alagad ng Panginoong Hesus na tutungo sa langit ay walang iba kundi ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO.

👇👇👇

"22 But YOU have come into the REALITY (of which the symbols only pointed to), To Mount Zion,--the NEW JERUSALEM the HEAVENLY CITY of the Living God--and YOU are part of that city----YOU have come to join milions of millions upon millions of angels rejoicing in God's presence! 23 into the HEAVENLY SANCTUARY----THE TRUE CHURCH of CHRIST whose IDENTITIES are STORED in HEAVEN. YOU have come to God, The source and standard of righteousness for all people; to THE ARCHIVED INDIVIDUALITIES OF RIGHTEOUS HUMAN BEINGS perfectly restored into Christlikeness of character; " [Hebrews 12;22-23(RNT) Remedy's New Translation]


FACEBOOK POST:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2093107944326290&id=100008813134581&sfnsn=mo

Martes, Mayo 28, 2019






TANONG: Itinuro ba ni Apostol Pablo na Dios ang Panginoong Hesus sa talatang Colosas 2:9?

SAGOT: HINDI! Madalas gamitin ng mga Jesus-is-God theology ang talatang Colosas 2:9 para iturong Dios ang Panginoong Hesus. Ngunit, ang hindi nila napansin ay:

1. Ang Colosas 2:9 ay isa sa mga talatang nagpapatunay na hindi Dios ang Panginoong Hesus, dahil kung Dios ang Panginoong Hesus hindi na kailangan pang manahan ang kapusupusan ng Dios sa kanya dahil siya na mismo ay Dios. Pero ayon sa talata ay kailangang manahan ang kapuspusan ng Dios sa katawan ng Panginoong Hesus, dahil hindi siya Dios.

"Kaya huwag kayong padadala, dahil ang kapuspusan ng Dios ay nananahan sa katawan ni Cristo." (Colosas 2:9 ASND)

At ang Dios na nananahan sa katawan ng Panginoong Hesus at gumagawa ng mga gawa ay hindi ang Panginoong Hesus, kundi ang Dios mismo, na walang iba kundi ang AMA.
“Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: KUNDI ANG AMA NA TUMATAHAN SA AKIN AY GUMAGAWA NG KANIYANG MGA GAWA.” (Juan 14:10)

2. Hindi basehan ang pananahan ng Dios sa katawan ng Panginoong Hesus para iturong siya ay Dios.

Sa katunayan, ang kapuspusan ng Dios ay mananahan din sa mga alagad ng Dios.
"At nawa'y malaman ninyo ang buong pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip UPANG KAYO'Y MAPUSPOS NG KAPUSPUSAN NG DIYOS." (Mga Taga-Efeso 3:19 MBB05)

Ang mga lingkod ay makakabahagi din sa likas bilang Diyos.
"Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at napakahalagang pangako upang makaiwas tayo sa nakakasirang pagnanasa sa sanlibutang ito at upang makabahagi TAYO SA KANYANG LIKAS BILANG DIYOS." (2 Pedro 1:4 RTPV05)

Ang mga alagad ay pinanahanan din ng Dios.
"At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; GAYA NG SABI NG DIOS, MANANAHAN AKO SA KANILA, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan." (2 Corinto 6:16)

3. Hindi maaaring maging Dios ang Panginoong Cristo Hesus sapagkat nilinaw mismo ng Panginoong Hesus na ANG AMA ANG IISANG TUNAY NA DIOS.
"Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, AMA, .....At ito ang buhay na walang hanggan, NA IKAW AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo." (Juan 17:1&3)


ORIGINAL POST:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1744459355857819&id=100008813134581&sfnsn=mo

CATHOLIC1949 vs CATHOLIC2006




Ang pabagu-bagong aral ng iglesia Katolika.

Ayon sa librong My Catholic Faith ng Iglesia Katolika na sinulat ni Bishop Louis LaRavoire Morrow, si Apostle Pedro ang namuno sa Jerusalem Council noong unang siglo.

"Saint Peter presided at the Council of the Apostles in Jerusalem in the year 50 A.D...." (My Catholic Faith 1949, by Louis LaRavoire Morrow, p. 188)
TAGALOG: "Si San Pedro ang namuno sa Konsilyo ng mga Apostol sa Jerusalem sa taong 50 A.D...." (My Catholic Faith 1949, by Louis LaRavoire Morrow, p. 188)

Binago naman ito ng kanilang pari na si Richard P. McBrien noong isulat nya sa kanyang libro na hindi si Apostle Pedro ang namuno sa Jerusalem Council kundi si Apostle Santiago.

"Significantly, it was James, not Peter who presided over the Council and ratified its decisions..." (The Pocket Guide to the Popes 2006, by Richard P. McBrien, p. 12)
TAGALOG: "Maliwanag, si Santiago, hindi si Pedro ang namuno sa Konsilyo at nagpatibay ng mga desisyon..." (The Pocket Guide to the Popes 2006, by Richard P. McBrien, p. 12)

Ibinabala ng Banal na Kasulatan na layuan ang mga taong pabago-bago, sapagkat ang mga taong pabago-bago ay mahuhulog sa kapamahakaan.

"Anak ko, sa PANGINOON at sa hari ay matakot ka, sa mga PABAGU-BAGO ay huwag kang makisama. apagkat biglang dumarating mula sa kanila ang kapahamakan, at ang pagkawasak na nagmumula sa kanila, ay sinong nakakaalam?" (Kawikaan 24:21-22 ABAB)

"Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya." (Santiago 1:7-8)


ORIGINAL POST:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1928170170820069&id=100008813134581&sfnsn=mo

Linggo, Mayo 26, 2019





Nod Fabiana Alantara VS The Bible

Isang maling paniniwala ni Nod Fabiana Alcantara ng MISSING CHURCH (dahil hindi niya masabi kung anong iglesia ang kinabibilangan niya) na ang Isaias 41-9-10,14 at Isaias 43:5-6 ay natupad daw sa lahing Israel. Ngunit, sangayon nga ba ang Biblia dito?

Ating isa-isahin ang mga talatang ginamit niya na natupad daw sa lahing Israel at hayaan din natin na ang Banal na Kasulatan ang sumagot kung tama ba ang kaniyang paniniwala o ito ay nakabatay lamang sa haka-haka.

1. Ayon sa Isaias 41:9,

*[[Isa 41:9]] TAB* Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at HINDI KITA ITINAKUWIL;

Sangayon nga ba ang Banal na Kasulatan sa pahayag ni Nod Fabiana Alcantara na ang talatang ito ay natupad sa lahing Israel?

Hindi dahil Hindi ang Israel sa laman o ang bayang Israel ang katuparan ng Isaias 41:9, sapagkat, ayon sa talata, PINANGAKUANG HINDI ITATAKWIL NG DIOS ANG MGA LINGKOD NA TINAWAG NIYA, samantalang ang Israel ay itinakwil ng Dios.

"Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, AKIN NAMANG ITATAKUWIL KA, upang ikaw ay huwag maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin namang kalilimutan ang iyong mga anak." (Hoseas 4:6 TLAB)

2. Ayon naman sa Isaias 41:10 at 14,

*[[Isa 41:10]] TAB* Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; OO, AKING TUTULUNGAN KA; OO, AKING AALALAYAN KA NG KANANG KAMAY NG AKING KATUWIRAN.

*[[Isa 41:14]] TAB* Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; AKING TUTULUNGAN KA, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.

Sangayon nga ba ang Banal na Kasulatan sa pahayag ni Nod Fabiana Alcantara na ang talatang ito ay natupad sa lahing Israel?

Muli ay HINDI dahil hindi ang Israel sa laman o ang bayang Israel ang katuparan ng Isaias 41;10 at 14, sapagkat, ayon sa talata, PINANGAKUANG PAPALAKASIN, TUTULUNGAN, AALALAYAN NG DIOS ANG MGA LINGKOD NA TINAWAG NIYA, samantalang ang Israel ay iginupo at hindi tinulungan ng Dios at ang lakas at pagasa ng Israel sa Dios ay nawala.

"Sa tindi ng kanyang galit ay IGINUPO NIYA ANG HUKBO NG ISRAEL; HINDI NIYA KAMI TINULUNGAN nang dumating ang kaaway. Nag-aalab ang galit niya sa amin, gaya ng paglamon ng apoy sa buong paligid." (Mga Panaghoy 2:3 MBB05)

"At aking sinabi, ANG LAKAS KO'Y NAWALA, at ang aking pagasa sa Panginoon." (Mga Panaghoy 3:18 TLAB)

3. At ayon sa Isaias 43:5-6, ang mga anak ng Dios na lalake at bababe ay sasamahan niya at ipagsasanggalang niya sa mga kaaway.

*[[Isa 43:5]] TAB* Huwag kang matakot, sapagka't AKO'Y SUMASAIYO: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;

*[[Isa 43:6]] TAB* Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;

Ngunit, sangayon nga ba ang Banal na Kasulatan sa pahayag ni Nod Fabiana Alcantara na ang mga talatang ito ay natupad sa lahing Israel?

Hindi dahil hindi maaaring ang mga Israelita o Israel sa laman lang ang bayan ng Dios sa mga huling araw dahil maliwanag na ipinahayag ng Banal na Kasulatan na BUONG ISRAEL ay tumalikod sa Dios at dahil sa kanilang pagtalikod, pinabayaan sila ng Panginoong Dios ay ibinigay sila sa mga kaaway.

"Oo, buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan, sa pagtalikod, upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig: kaya't ang sumpa ay nabuhos sa amin, at ang sumpa na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng Dios; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa kaniya." (Daniel 9:11 TLAB)

"All Israel has transgressed your law and turned away, refusing to obey you. “Therefore the curses and sworn judgments written in the Law of Moses, the servant of God, have been poured out on us, because we have sinned against you." (Daniel 9:11 NIV)

"Matigas ang ulo ng Israel, tulad ng dumalagang baka. Kaya't pakakainin pa ba sila ni Yahweh tulad ng mga tupang dinadala niya sa maluwang na pastulan? Nakiisa sa mga diyus-diyosan ang Efraim; PABAYAAN MO NA SIYA. Bagaman ubos na ang kanilang alak, patuloy pa rin sila sa pangangalunya; higit nilang nais ang kahihiyan kaysa karangalan. Tatangayin sila ng malakas na hangin, at mapapahiya sila nang labis dahil sa kanilang handog sa mga diyus-diyosan." (Hosea 4:16‭-‬19 MBB05)

At dahil dito, imbes na HUWAG MATAKOT ay NAWALA ang LAKAS ng Israel.

"At aking sinabi, ANG LAKAS KO'Y NAWALA, at ang aking pagasa sa Panginoon." (Mga Panaghoy 3:18 TLAB)

4. Panghuli, ayon sa Isaias 43:5, ang mga anak ng Dios na lalake at babae ay magmumula sa dulo o malayong silangan, ang Jerusalem na siyang kabisera ng bayang Israel ay hindi ipinakilala ng Biblia na dulo o malayong silangan kundi ito ay idineklara ng Panginoong Dios na siyang pinakasentro ng daigdig.

“Ako, ang Panginoong Dios , ay nagsasabi na ito ang kahihinatnan ng Jerusalem, ANG LUNGSOD NA GINAWA KONG PINAKASENTRO SA BUONG DAIGDIG." (Ezekiel 5:5 ASND)

Muli ay natupad na naman ang pahayag ng Banal na Kasulatan kay Nod Fabiana Alcantara at sa mga taong may paniniwalang tulad ng kaniya.

"Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan." (II Kay Timoteo 3:7 TLAB)

Sino ba ang tinutukoy ng Dios na mga anak niyang lalake at babae na magmumula sa mga wakas ng lupa?

Ating alamin sa pamamagitan ng link na nasa bandang hulihan ng post na ito

“Huwag kang matatakot, Ako'y kasama mo, MULA SA DULONG SILANGAN hanggang sa kanluran, Ay titipunin ko kayo At ibabalik sa dating tahanan.” (Isaias 43:5 MB)

“FROM THE FAR EAST I will bring your offspring; and from the far west I will gather you.” (Isaias 43:5 Moffatt)

see link for more info::
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/09/ipinangako-ni-cristo-ang-muling.html?m=1



ORIGINAL POST:
https://m.facebook.com/groups/181545829400075?view=permalink&id=218206465734011&sfnsn=mo










TANONG: Ipinahayag ba ng Panginoong Hesus na siya ay Dios at may pisikal na kalagayan na bago lalangin ang sanlibutan sa talatang Juan 17:5?

"At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon." (Juan 17:5, TAB)

SAGOT: HINDI! Madalas gamitin ng mga Jesus-is-God theology ang talatang Juan 17:5 upang ituro na ang Panginoong Hesus ay Dios at may pisikal na kalagayan na bago lalangin ang sanlibutan dahil sa kaluwalhatiang kaniyang natamo. Ngunit, napakalinaw sa talata na walang mababasa na ang Panginoong Hesus ay Dios at may pisikal na kalagayan na bago lalangin ang sanlibutan dahil sa kaluwalhatiang kaniyang natamo. Sakatunayan;

1. Kung tatangapin natin ang aral ng Jesus-is-God theology na ang Panginoong Hesus ay Dios at may pisikal na kalagayan na bago ang paglalang dahil sa kaluwalhatiang kaniyang natamo, ay lalabas na pati ang mga taong tatawagin ng Panginoong Dios ay mga Dios din at may pisikal na kalagayan na din bago pa ang paglalang sapagkat sila din ay pinili na ng Dios at binigyan na ng kaluwalhatian bago pa lalangin ang sanlibutan.

"Subalit ang ipinapahayag namin ay ang lihim na karunungan ng Diyos na hindi nahayag noong una, NA ITINALAGA NA NIYA PARA SA ATING IKALULUWALHATI BAGO PA LIKHAIN ANG SANLIBUTAN." (1 Mga Taga-Corinto 2:7 MBBTAG12)

"BAGO PA LIKHAIN ANG SANLIBUTAN AY PINILI NA NIYA TAYO upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo at upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos," (Mga Taga-Efeso 1:4 MBBTAG12)

"INILIGTAS AT TINAWAG TAYO NG DIOS PARA MAGING KANYA, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Cristo Jesus BAGO PA NAGSIMULA ANG MUNDO." (2 Timoteo 1:9 ASND)

"AT BIGYAN SILA NG PAG-ASA SA BUHAY NA WALANG HANGGAN. BAGO PA LIKHAIN ANG SANLIBUTAN, ang buhay na ito'y ipinangako na ng Diyos na kailanma'y hindi nagsisinungaling." (Tito 1:2 MBBTAG12)

2. Hindi basehan ang pagkakaroon ng Panginoong Hesus ng kaluwalhatian na natamo niya sa Dios para ituro na ang Panginoong Hesus ay Dios din. Sakatunayan, ang mga alagad at magiging alagad ng Panginoong Hesus ay makakabahagi din sa kaluwalhatiang tinamo ng Panginoong Hesus mula sa Dios.

"AT ANG KALUWALHATIANG SA AKI'Y IBINIGAY MO AY IBINIGAY KO SA KANILA; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;" (Juan 17:22 TAB)

"Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ANG MGA ITO'Y PINILI NIYA UPANG MAGING KATULAD NG KANYANG ANAK. Sa gayon, siya ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid." (Mga Taga-Roma 8:29 MBBTAG12)

"At yamang mga anak, TAYO'Y MGA TAGAPAGMANA NG DIYOS AT KASAMANG TAGAPAGMANA NI CRISTO. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis, TAYO'Y MAKAKASAMA NIYA SA KANYANG KALUWALHATIAN." (Mga Taga-Roma 8:17 MBBTAG12)

"ANG MAGTAGUMPAY, AY AKING PAGKAKALOOBANG UMUPONG KASAMA KO SA AKING LUKLUKAN, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan." (Apocalipsis 3:21 TLAB)

"SAPAGKA'T TAYO'Y NAGIGING KABAHAGI NI CRISTO kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan:" (MGA HEBREO 3:14 ABTAG)

3. Sa papaanong paraan ba nagkaroon ng kaluwalhatian ang Panginoong Hesus bago lalangin ang sanlibutan?

Sa pamamagitan ng pageexistido bilang VERBO, SALITA o PLANO sa isip ng Dios.

"THE Logos existed in the very beginning, the Logos was with God, the Logos was DIVINE." (John 1:1, James Moffatt New Testament)

"In the beginning the Word existed. The Word was with God, and the Word was DIVINE." (John 1:1, Goodspeed New Testament)

“NASA ISIP NA SIYA NG DIYOS BAGO PA LALANGIN ANG DAIGDIG ngunit ipinakikilala Siya ngayong huling panahon dahil sa inyo.” (1 Pedro 1:20, Salin ni Trinidad)

4. Hindi maaaring maging Dios ang Panginoong Cristo Hesus sapagkat nilinaw mismo ng Panginoong Hesus sa kanyang panalangin na ANG AMA ANG IISANG TUNAY NA DIOS.

"Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, AMA, .....At ito ang buhay na walang hanggan, NA IKAW AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo." (Juan 17:1&3)



ORIGINAL POST:
--> https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1743976245906130&id=100008813134581&sfnsn=mo

Sabado, Mayo 25, 2019

JEHOVAH'S WITNESS 1951 VS JEHOVAH'S WITNESS 1968



Ang pabago-bagong aral ng Saksi Ni Jehova.

Ayon sa librong What Has Religion Done for Mankind? na inilathala ng WATCH TOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY noong taong 1951, Ipinakilala nila na ang Panginoong Cristo Hesus ay ang walang hanggang AMA.
"Each one will be there because of the ransom sacrifice of the "EVERLASTING FATHER", JESUS CHRIST." (What Has Religion Done for Mankind?, WATCH TOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY, 1951, page 341)
TAGALOG: "Bawat isa ay doroon dahilan sa pantubos na hain ng WALANG HANGGANG AMA NA SI JESUCRISTO."

Binago naman nila ito noong taong 1968 at ipinakilala nila na ang Panginoong Cristo Hesus ay hindi ang Dios, kundi anak ng Dios.
"This child, Jesus, was NOT GOD, BUT GOD'S SON. He was a perfect human..." (THE TRUTH THAT LEADS TO ETERNAL LIFE, WATCH TOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY, 1968, page 48)
TAGALOG: "Ang sanggol na ito, na si Jesus ay HINDI ANG DIOS, kundi ang ANAK NG DIOS. Siya ay isang ganap na tao...."

Ibinabala ng Banal na Kasulatan na dapat layuan ang mga taong pabago-bago, sapagkat ang mga taong pabago-bago ay mahuhulog sa kapamahakaan.

"Anak ko, sa PANGINOON at sa hari ay matakot ka, sa mga PABAGU-BAGO ay huwag kang makisama. apagkat biglang dumarating mula sa kanila ang kapahamakan, at ang pagkawasak na nagmumula sa kanila, ay sinong nakakaalam?" (Kawikaan 24:21-22 ABAB)

"Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya." (Santiago 1:7-8)

ORIGINAL POST:
--> https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2069837093320042&id=100008813134581&sfnsn=mo

ANG MGA PROPETANG HINDI ISINUGO NG DIOS




Makikinig ka ba sa mga propetang hindi kinasihan ng Dios? Wag naman sana.

👇👇👇

Ayon sa autoridad Saksi Ni Jehovah, tahasan nilang inaamin na hindi sila kinasihan ng Dios at nagkakamali din sila.

"Jehovah’s Witnesses do not claim to be inspired prophets. They have made mistakes."
(Reasoning From The Scriptures, WATCH TOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY OF PENNSYLVANIA, page 136)
TAGALOG: "Hindi inaangkin ng mga Saksi ni Jehova na sila’y kinasihang mga propeta. Nagkakamali din sila."

Kaya napakadelikado pala kapag may kumatok sa pintuan ng iyong bahay na isang Saksi Ni Jehovah upang ibahagi ang kanilang aral, dahil papangaralan ka nila ng kamalian.

TANONG: Ano ba ang dapat maging pagtuturing sa mga taong nangangaral ngunit hindi sinugo ng Dios?
SAGOT: Narito ang sagot ng Panginoong Dios:
"Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Huwag ninyong dinggin ang mga salita ng mga propeta na nanganghuhula sa inyo: sila'y nangagtuturo sa inyo ng walang kabuluhan; sila'y nangagsasalita ng pangitain ng kanilang sariling puso, at hindi mula sa bibig ng Panginoon. Hindi ko sinugo ang mga propetang ito, gayon ma'y nagsitakbo sila: ako'y hindi nagsalita sa kanila, gayon ma'y nanghula sila." (Jeremias 23:16,21)

Napakalinaw ng pahayag ng Dios, huwag silang pakikiinggan dahil hindi sila mga isinugo ng Dios, at kapahamakan lang ang ating kahahantungan kung sila ay ating didinggin.

TANONG: Dapat bang ipagtaka kung may nangangaral ng kabulaanan o mali sa panahon natin?

SAGOT: Hindi! Sapagkat ipinagpauna na ito ng Biblia.
"Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip." (2 Timoteo 4:3‭-‬4 MBBTAG12)

TANONG: Sino-sino ba ang mga taong may karapatang mangaral ng dalisay na aral ng Dios?

SAGOT: Ang mga taong binigyan ng karapatang mangaral ng dalisay na aral ay walang iba kundi ang mga sugo ng Dios.

"AT PAANO SILANG MAGSISIPANGARAL, KUNG HINDI SILA MGA SINUGO? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!" (Roma 10:5)

At sila ay matatagpuan sa IGLESIA NI CRISTO.

"At ang Dios ay naglagay ng ilan sa IGLESIA, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika." (1 Corinthinas 12:28)

“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang BUONG KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ANG IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.” (Gawa 20:28, GLT)



ORIGINAL POST:
---> https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2071720876464997&id=100008813134581&sfnsn=mo