My Blog List

My Blog List

Martes, Hunyo 4, 2019





IGLESIA NI CRISTO, ang tanging iglesiang hindi pananaigan ng kapangyarihan ng Hades sa araw ng paghuhukom.

Itinuturo ng Banal na Kasulatan na ang Iglesia ni Cristo lamang ang hindi pananaigan ng Hades o kamatayan na itatapon sa dagatdagatang apoy.

Sapagkat ganito ang sinasabi ng kasulatan:

"Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;" (Roma 3:23)

At ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.
"Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ...." (Roma 6:23)

At ang kamatayan at ang Hades ay itatapon sa dagatdagatang apoy.
"At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy." (Apocalipsis 20:14)

Dahil dito, ang Panginoong Hesus ay nagtayo ng iglesia na hindi pananaigan ng kamatayan o impyerno.
"At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng HADES ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya." (Mateo 16:18 TAB)

"At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro, at sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya, at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng KAMATAYAN." (Mateo 16:18 ASND)

Kaya inaanyayahan ng Panginoong Cristo Hesus ang sinumang tao na pumasok sa loob ng kawan o iglesia ni Cristo para maligtas.
Juan 10:7 “Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, KATOTOHANAN, KATOTOHANANG SINASABI KO SA INYO, AKO ANG PINTUAN NG MGA TUPA.”
Juan 10:9 “Ako ang pintuan; ang SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”

At ang iglesiq kawan na hindi pananaigan ng kamatayan o impyerno ay walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO.

"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang BUONG KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ANG IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.” (Gawa 20:28 GLT)


FACEBOOK POST:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1921965661440520&id=100008813134581&sfnsn=mo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento