IGLESIA NI CRISTO, Ang TANGING IGLESIA na nakakakilala sa tunay na Dios.
Ayon sa pahayag ng Panginoong Dios, mayroon siyang mga taong initasan upang ipaalam sa mga tao na may iisang tunay na Dios lamang.
"The Lord says, “You people are my witnesses and the servant I chose. I chose you so that YOU WOULD HELP PEOPLE BELIVE ME. I chose you so that you would understand that ‘I Am He’— I am the true God . There was no God before me, and there will be no God after me." (Isaiah 43:10 ERV)
FILIPINO: "Sabi ng Panginoon, "Kayong mga tao ay aking mga saksi at mga lingkod na aking pinili. Pinili ko kayo upang inyong TULUNGAN ANG MGA TAO NA MANIWALA SA AKIN. Pinili ko kayo upang inyong maalaman na 'Ako Nga' — AKO ANG TUNAY NA DIOS. Walang Dios na nauna sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko."
TANONG: Saan ba matatagpuan ang mga taong ito na pinili ng Dios upang TUMULONG sa mga tao na maniwala sa Dios?
SAGOT: Ang mga taong ito na pinili ng Dios na siyang TUTULONG sa mga tao upang malaman na may iisang tunay na Dios lamang, ay matatagpuan sa iglesia, na walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO.
"At ang Dios ay naglagay ng ilan sa IGLESIA, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga PAGTULONG, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika." (1 Corinto 12:28)
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang BUONG KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ANG IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.” (Gawa 20:28 GLT)
Kaya mula noon magpahanggang ngayon, masugid na itinataguyod ng IGLESIA NI CRISTO ang aral ng Dios na tinanggap ng mga propeta, apostol at higit sa lahat, ng ating Panginoong Hesus na mayroon lamang iisang tunay na Dios, walang iba kundi ang AMA.
👇👇👇
"Sapagka't aking ihahayag ang PANGALAN ng Panginoon: Dakilain ninyo ang ating Dios. Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka't lahat niyang daan ay kahatulan: ISANG DIOS na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya. Ganyan ba ninyo ginaganti ang PANGINOON, O mangmang na bayan at hindi pantas? Hindi ba siya ang iyong AMA na tumangkilik sa iyo? KANIYANG NILALANG KA, AT ITINATAG." (Deuteronomio 32:3-4,6 TLAB)
"Wala baga tayong lahat na ISANG AMA? hindi baga ISANG DIOS ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang?" (Malakias 2:10)
"para sa atin IISA LAMANG ANG DIOS, ang ating AMA na lumikha ng lahat ng bagay, at nabubuhay tayo para sa kanya. At may iisang Panginoon lamang, si Jesu-Cristo. Sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya ay nabubuhay tayo ngayon." (1 Corinto 8:6 ASND)
"Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, AMA, .....At ito ang buhay na walang hanggan, NA IKAW AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo." (Juan 17:1&3)
#oneTrueGodTheFATHERinTheChurchOfChrist
FACEBOOK POST:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2124019781235106&id=100008813134581&sfnsn=mo

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento