JEHOVAH'S WITNESS 1951 VS JEHOVAH'S WITNESS 1968
Ang pabago-bagong aral ng Saksi Ni Jehova.
Ayon sa librong What Has Religion Done for Mankind? na inilathala ng WATCH TOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY noong taong 1951, Ipinakilala nila na ang Panginoong Cristo Hesus ay ang walang hanggang AMA.
"Each one will be there because of the ransom sacrifice of the "EVERLASTING FATHER", JESUS CHRIST." (What Has Religion Done for Mankind?, WATCH TOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY, 1951, page 341)
TAGALOG: "Bawat isa ay doroon dahilan sa pantubos na hain ng WALANG HANGGANG AMA NA SI JESUCRISTO."
Binago naman nila ito noong taong 1968 at ipinakilala nila na ang Panginoong Cristo Hesus ay hindi ang Dios, kundi anak ng Dios.
"This child, Jesus, was NOT GOD, BUT GOD'S SON. He was a perfect human..." (THE TRUTH THAT LEADS TO ETERNAL LIFE, WATCH TOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY, 1968, page 48)
TAGALOG: "Ang sanggol na ito, na si Jesus ay HINDI ANG DIOS, kundi ang ANAK NG DIOS. Siya ay isang ganap na tao...."
Ibinabala ng Banal na Kasulatan na dapat layuan ang mga taong pabago-bago, sapagkat ang mga taong pabago-bago ay mahuhulog sa kapamahakaan.
"Anak ko, sa PANGINOON at sa hari ay matakot ka, sa mga PABAGU-BAGO ay huwag kang makisama. apagkat biglang dumarating mula sa kanila ang kapahamakan, at ang pagkawasak na nagmumula sa kanila, ay sinong nakakaalam?" (Kawikaan 24:21-22 ABAB)
"Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya." (Santiago 1:7-8)
ORIGINAL POST:
--> https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2069837093320042&id=100008813134581&sfnsn=mo

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento