My Blog List

My Blog List

Martes, Mayo 28, 2019

CATHOLIC1949 vs CATHOLIC2006




Ang pabagu-bagong aral ng iglesia Katolika.

Ayon sa librong My Catholic Faith ng Iglesia Katolika na sinulat ni Bishop Louis LaRavoire Morrow, si Apostle Pedro ang namuno sa Jerusalem Council noong unang siglo.

"Saint Peter presided at the Council of the Apostles in Jerusalem in the year 50 A.D...." (My Catholic Faith 1949, by Louis LaRavoire Morrow, p. 188)
TAGALOG: "Si San Pedro ang namuno sa Konsilyo ng mga Apostol sa Jerusalem sa taong 50 A.D...." (My Catholic Faith 1949, by Louis LaRavoire Morrow, p. 188)

Binago naman ito ng kanilang pari na si Richard P. McBrien noong isulat nya sa kanyang libro na hindi si Apostle Pedro ang namuno sa Jerusalem Council kundi si Apostle Santiago.

"Significantly, it was James, not Peter who presided over the Council and ratified its decisions..." (The Pocket Guide to the Popes 2006, by Richard P. McBrien, p. 12)
TAGALOG: "Maliwanag, si Santiago, hindi si Pedro ang namuno sa Konsilyo at nagpatibay ng mga desisyon..." (The Pocket Guide to the Popes 2006, by Richard P. McBrien, p. 12)

Ibinabala ng Banal na Kasulatan na layuan ang mga taong pabago-bago, sapagkat ang mga taong pabago-bago ay mahuhulog sa kapamahakaan.

"Anak ko, sa PANGINOON at sa hari ay matakot ka, sa mga PABAGU-BAGO ay huwag kang makisama. apagkat biglang dumarating mula sa kanila ang kapahamakan, at ang pagkawasak na nagmumula sa kanila, ay sinong nakakaalam?" (Kawikaan 24:21-22 ABAB)

"Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya." (Santiago 1:7-8)


ORIGINAL POST:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1928170170820069&id=100008813134581&sfnsn=mo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento