My Blog List

My Blog List

Sabado, Mayo 25, 2019

ANG MGA PROPETANG HINDI ISINUGO NG DIOS




Makikinig ka ba sa mga propetang hindi kinasihan ng Dios? Wag naman sana.

👇👇👇

Ayon sa autoridad Saksi Ni Jehovah, tahasan nilang inaamin na hindi sila kinasihan ng Dios at nagkakamali din sila.

"Jehovah’s Witnesses do not claim to be inspired prophets. They have made mistakes."
(Reasoning From The Scriptures, WATCH TOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY OF PENNSYLVANIA, page 136)
TAGALOG: "Hindi inaangkin ng mga Saksi ni Jehova na sila’y kinasihang mga propeta. Nagkakamali din sila."

Kaya napakadelikado pala kapag may kumatok sa pintuan ng iyong bahay na isang Saksi Ni Jehovah upang ibahagi ang kanilang aral, dahil papangaralan ka nila ng kamalian.

TANONG: Ano ba ang dapat maging pagtuturing sa mga taong nangangaral ngunit hindi sinugo ng Dios?
SAGOT: Narito ang sagot ng Panginoong Dios:
"Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Huwag ninyong dinggin ang mga salita ng mga propeta na nanganghuhula sa inyo: sila'y nangagtuturo sa inyo ng walang kabuluhan; sila'y nangagsasalita ng pangitain ng kanilang sariling puso, at hindi mula sa bibig ng Panginoon. Hindi ko sinugo ang mga propetang ito, gayon ma'y nagsitakbo sila: ako'y hindi nagsalita sa kanila, gayon ma'y nanghula sila." (Jeremias 23:16,21)

Napakalinaw ng pahayag ng Dios, huwag silang pakikiinggan dahil hindi sila mga isinugo ng Dios, at kapahamakan lang ang ating kahahantungan kung sila ay ating didinggin.

TANONG: Dapat bang ipagtaka kung may nangangaral ng kabulaanan o mali sa panahon natin?

SAGOT: Hindi! Sapagkat ipinagpauna na ito ng Biblia.
"Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip." (2 Timoteo 4:3‭-‬4 MBBTAG12)

TANONG: Sino-sino ba ang mga taong may karapatang mangaral ng dalisay na aral ng Dios?

SAGOT: Ang mga taong binigyan ng karapatang mangaral ng dalisay na aral ay walang iba kundi ang mga sugo ng Dios.

"AT PAANO SILANG MAGSISIPANGARAL, KUNG HINDI SILA MGA SINUGO? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!" (Roma 10:5)

At sila ay matatagpuan sa IGLESIA NI CRISTO.

"At ang Dios ay naglagay ng ilan sa IGLESIA, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika." (1 Corinthinas 12:28)

“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang BUONG KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ANG IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.” (Gawa 20:28, GLT)



ORIGINAL POST:
---> https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2071720876464997&id=100008813134581&sfnsn=mo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento