My Blog List

My Blog List

Linggo, Mayo 26, 2019











TANONG: Ipinahayag ba ng Panginoong Hesus na siya ay Dios at may pisikal na kalagayan na bago lalangin ang sanlibutan sa talatang Juan 17:5?

"At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon." (Juan 17:5, TAB)

SAGOT: HINDI! Madalas gamitin ng mga Jesus-is-God theology ang talatang Juan 17:5 upang ituro na ang Panginoong Hesus ay Dios at may pisikal na kalagayan na bago lalangin ang sanlibutan dahil sa kaluwalhatiang kaniyang natamo. Ngunit, napakalinaw sa talata na walang mababasa na ang Panginoong Hesus ay Dios at may pisikal na kalagayan na bago lalangin ang sanlibutan dahil sa kaluwalhatiang kaniyang natamo. Sakatunayan;

1. Kung tatangapin natin ang aral ng Jesus-is-God theology na ang Panginoong Hesus ay Dios at may pisikal na kalagayan na bago ang paglalang dahil sa kaluwalhatiang kaniyang natamo, ay lalabas na pati ang mga taong tatawagin ng Panginoong Dios ay mga Dios din at may pisikal na kalagayan na din bago pa ang paglalang sapagkat sila din ay pinili na ng Dios at binigyan na ng kaluwalhatian bago pa lalangin ang sanlibutan.

"Subalit ang ipinapahayag namin ay ang lihim na karunungan ng Diyos na hindi nahayag noong una, NA ITINALAGA NA NIYA PARA SA ATING IKALULUWALHATI BAGO PA LIKHAIN ANG SANLIBUTAN." (1 Mga Taga-Corinto 2:7 MBBTAG12)

"BAGO PA LIKHAIN ANG SANLIBUTAN AY PINILI NA NIYA TAYO upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo at upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos," (Mga Taga-Efeso 1:4 MBBTAG12)

"INILIGTAS AT TINAWAG TAYO NG DIOS PARA MAGING KANYA, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Cristo Jesus BAGO PA NAGSIMULA ANG MUNDO." (2 Timoteo 1:9 ASND)

"AT BIGYAN SILA NG PAG-ASA SA BUHAY NA WALANG HANGGAN. BAGO PA LIKHAIN ANG SANLIBUTAN, ang buhay na ito'y ipinangako na ng Diyos na kailanma'y hindi nagsisinungaling." (Tito 1:2 MBBTAG12)

2. Hindi basehan ang pagkakaroon ng Panginoong Hesus ng kaluwalhatian na natamo niya sa Dios para ituro na ang Panginoong Hesus ay Dios din. Sakatunayan, ang mga alagad at magiging alagad ng Panginoong Hesus ay makakabahagi din sa kaluwalhatiang tinamo ng Panginoong Hesus mula sa Dios.

"AT ANG KALUWALHATIANG SA AKI'Y IBINIGAY MO AY IBINIGAY KO SA KANILA; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;" (Juan 17:22 TAB)

"Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ANG MGA ITO'Y PINILI NIYA UPANG MAGING KATULAD NG KANYANG ANAK. Sa gayon, siya ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid." (Mga Taga-Roma 8:29 MBBTAG12)

"At yamang mga anak, TAYO'Y MGA TAGAPAGMANA NG DIYOS AT KASAMANG TAGAPAGMANA NI CRISTO. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis, TAYO'Y MAKAKASAMA NIYA SA KANYANG KALUWALHATIAN." (Mga Taga-Roma 8:17 MBBTAG12)

"ANG MAGTAGUMPAY, AY AKING PAGKAKALOOBANG UMUPONG KASAMA KO SA AKING LUKLUKAN, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan." (Apocalipsis 3:21 TLAB)

"SAPAGKA'T TAYO'Y NAGIGING KABAHAGI NI CRISTO kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan:" (MGA HEBREO 3:14 ABTAG)

3. Sa papaanong paraan ba nagkaroon ng kaluwalhatian ang Panginoong Hesus bago lalangin ang sanlibutan?

Sa pamamagitan ng pageexistido bilang VERBO, SALITA o PLANO sa isip ng Dios.

"THE Logos existed in the very beginning, the Logos was with God, the Logos was DIVINE." (John 1:1, James Moffatt New Testament)

"In the beginning the Word existed. The Word was with God, and the Word was DIVINE." (John 1:1, Goodspeed New Testament)

“NASA ISIP NA SIYA NG DIYOS BAGO PA LALANGIN ANG DAIGDIG ngunit ipinakikilala Siya ngayong huling panahon dahil sa inyo.” (1 Pedro 1:20, Salin ni Trinidad)

4. Hindi maaaring maging Dios ang Panginoong Cristo Hesus sapagkat nilinaw mismo ng Panginoong Hesus sa kanyang panalangin na ANG AMA ANG IISANG TUNAY NA DIOS.

"Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, AMA, .....At ito ang buhay na walang hanggan, NA IKAW AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo." (Juan 17:1&3)



ORIGINAL POST:
--> https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1743976245906130&id=100008813134581&sfnsn=mo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento