My Blog List
My Blog List
Martes, Mayo 28, 2019
TANONG: Itinuro ba ni Apostol Pablo na Dios ang Panginoong Hesus sa talatang Colosas 2:9?
SAGOT: HINDI! Madalas gamitin ng mga Jesus-is-God theology ang talatang Colosas 2:9 para iturong Dios ang Panginoong Hesus. Ngunit, ang hindi nila napansin ay:
1. Ang Colosas 2:9 ay isa sa mga talatang nagpapatunay na hindi Dios ang Panginoong Hesus, dahil kung Dios ang Panginoong Hesus hindi na kailangan pang manahan ang kapusupusan ng Dios sa kanya dahil siya na mismo ay Dios. Pero ayon sa talata ay kailangang manahan ang kapuspusan ng Dios sa katawan ng Panginoong Hesus, dahil hindi siya Dios.
"Kaya huwag kayong padadala, dahil ang kapuspusan ng Dios ay nananahan sa katawan ni Cristo." (Colosas 2:9 ASND)
At ang Dios na nananahan sa katawan ng Panginoong Hesus at gumagawa ng mga gawa ay hindi ang Panginoong Hesus, kundi ang Dios mismo, na walang iba kundi ang AMA.
“Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: KUNDI ANG AMA NA TUMATAHAN SA AKIN AY GUMAGAWA NG KANIYANG MGA GAWA.” (Juan 14:10)
2. Hindi basehan ang pananahan ng Dios sa katawan ng Panginoong Hesus para iturong siya ay Dios.
Sa katunayan, ang kapuspusan ng Dios ay mananahan din sa mga alagad ng Dios.
"At nawa'y malaman ninyo ang buong pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip UPANG KAYO'Y MAPUSPOS NG KAPUSPUSAN NG DIYOS." (Mga Taga-Efeso 3:19 MBB05)
Ang mga lingkod ay makakabahagi din sa likas bilang Diyos.
"Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at napakahalagang pangako upang makaiwas tayo sa nakakasirang pagnanasa sa sanlibutang ito at upang makabahagi TAYO SA KANYANG LIKAS BILANG DIYOS." (2 Pedro 1:4 RTPV05)
Ang mga alagad ay pinanahanan din ng Dios.
"At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; GAYA NG SABI NG DIOS, MANANAHAN AKO SA KANILA, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan." (2 Corinto 6:16)
3. Hindi maaaring maging Dios ang Panginoong Cristo Hesus sapagkat nilinaw mismo ng Panginoong Hesus na ANG AMA ANG IISANG TUNAY NA DIOS.
"Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, AMA, .....At ito ang buhay na walang hanggan, NA IKAW AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo." (Juan 17:1&3)
ORIGINAL POST:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1744459355857819&id=100008813134581&sfnsn=mo
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento