My Blog List

My Blog List

Linggo, Mayo 26, 2019





Nod Fabiana Alantara VS The Bible

Isang maling paniniwala ni Nod Fabiana Alcantara ng MISSING CHURCH (dahil hindi niya masabi kung anong iglesia ang kinabibilangan niya) na ang Isaias 41-9-10,14 at Isaias 43:5-6 ay natupad daw sa lahing Israel. Ngunit, sangayon nga ba ang Biblia dito?

Ating isa-isahin ang mga talatang ginamit niya na natupad daw sa lahing Israel at hayaan din natin na ang Banal na Kasulatan ang sumagot kung tama ba ang kaniyang paniniwala o ito ay nakabatay lamang sa haka-haka.

1. Ayon sa Isaias 41:9,

*[[Isa 41:9]] TAB* Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at HINDI KITA ITINAKUWIL;

Sangayon nga ba ang Banal na Kasulatan sa pahayag ni Nod Fabiana Alcantara na ang talatang ito ay natupad sa lahing Israel?

Hindi dahil Hindi ang Israel sa laman o ang bayang Israel ang katuparan ng Isaias 41:9, sapagkat, ayon sa talata, PINANGAKUANG HINDI ITATAKWIL NG DIOS ANG MGA LINGKOD NA TINAWAG NIYA, samantalang ang Israel ay itinakwil ng Dios.

"Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, AKIN NAMANG ITATAKUWIL KA, upang ikaw ay huwag maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin namang kalilimutan ang iyong mga anak." (Hoseas 4:6 TLAB)

2. Ayon naman sa Isaias 41:10 at 14,

*[[Isa 41:10]] TAB* Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; OO, AKING TUTULUNGAN KA; OO, AKING AALALAYAN KA NG KANANG KAMAY NG AKING KATUWIRAN.

*[[Isa 41:14]] TAB* Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; AKING TUTULUNGAN KA, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.

Sangayon nga ba ang Banal na Kasulatan sa pahayag ni Nod Fabiana Alcantara na ang talatang ito ay natupad sa lahing Israel?

Muli ay HINDI dahil hindi ang Israel sa laman o ang bayang Israel ang katuparan ng Isaias 41;10 at 14, sapagkat, ayon sa talata, PINANGAKUANG PAPALAKASIN, TUTULUNGAN, AALALAYAN NG DIOS ANG MGA LINGKOD NA TINAWAG NIYA, samantalang ang Israel ay iginupo at hindi tinulungan ng Dios at ang lakas at pagasa ng Israel sa Dios ay nawala.

"Sa tindi ng kanyang galit ay IGINUPO NIYA ANG HUKBO NG ISRAEL; HINDI NIYA KAMI TINULUNGAN nang dumating ang kaaway. Nag-aalab ang galit niya sa amin, gaya ng paglamon ng apoy sa buong paligid." (Mga Panaghoy 2:3 MBB05)

"At aking sinabi, ANG LAKAS KO'Y NAWALA, at ang aking pagasa sa Panginoon." (Mga Panaghoy 3:18 TLAB)

3. At ayon sa Isaias 43:5-6, ang mga anak ng Dios na lalake at bababe ay sasamahan niya at ipagsasanggalang niya sa mga kaaway.

*[[Isa 43:5]] TAB* Huwag kang matakot, sapagka't AKO'Y SUMASAIYO: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;

*[[Isa 43:6]] TAB* Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;

Ngunit, sangayon nga ba ang Banal na Kasulatan sa pahayag ni Nod Fabiana Alcantara na ang mga talatang ito ay natupad sa lahing Israel?

Hindi dahil hindi maaaring ang mga Israelita o Israel sa laman lang ang bayan ng Dios sa mga huling araw dahil maliwanag na ipinahayag ng Banal na Kasulatan na BUONG ISRAEL ay tumalikod sa Dios at dahil sa kanilang pagtalikod, pinabayaan sila ng Panginoong Dios ay ibinigay sila sa mga kaaway.

"Oo, buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan, sa pagtalikod, upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig: kaya't ang sumpa ay nabuhos sa amin, at ang sumpa na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng Dios; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa kaniya." (Daniel 9:11 TLAB)

"All Israel has transgressed your law and turned away, refusing to obey you. “Therefore the curses and sworn judgments written in the Law of Moses, the servant of God, have been poured out on us, because we have sinned against you." (Daniel 9:11 NIV)

"Matigas ang ulo ng Israel, tulad ng dumalagang baka. Kaya't pakakainin pa ba sila ni Yahweh tulad ng mga tupang dinadala niya sa maluwang na pastulan? Nakiisa sa mga diyus-diyosan ang Efraim; PABAYAAN MO NA SIYA. Bagaman ubos na ang kanilang alak, patuloy pa rin sila sa pangangalunya; higit nilang nais ang kahihiyan kaysa karangalan. Tatangayin sila ng malakas na hangin, at mapapahiya sila nang labis dahil sa kanilang handog sa mga diyus-diyosan." (Hosea 4:16‭-‬19 MBB05)

At dahil dito, imbes na HUWAG MATAKOT ay NAWALA ang LAKAS ng Israel.

"At aking sinabi, ANG LAKAS KO'Y NAWALA, at ang aking pagasa sa Panginoon." (Mga Panaghoy 3:18 TLAB)

4. Panghuli, ayon sa Isaias 43:5, ang mga anak ng Dios na lalake at babae ay magmumula sa dulo o malayong silangan, ang Jerusalem na siyang kabisera ng bayang Israel ay hindi ipinakilala ng Biblia na dulo o malayong silangan kundi ito ay idineklara ng Panginoong Dios na siyang pinakasentro ng daigdig.

“Ako, ang Panginoong Dios , ay nagsasabi na ito ang kahihinatnan ng Jerusalem, ANG LUNGSOD NA GINAWA KONG PINAKASENTRO SA BUONG DAIGDIG." (Ezekiel 5:5 ASND)

Muli ay natupad na naman ang pahayag ng Banal na Kasulatan kay Nod Fabiana Alcantara at sa mga taong may paniniwalang tulad ng kaniya.

"Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan." (II Kay Timoteo 3:7 TLAB)

Sino ba ang tinutukoy ng Dios na mga anak niyang lalake at babae na magmumula sa mga wakas ng lupa?

Ating alamin sa pamamagitan ng link na nasa bandang hulihan ng post na ito

“Huwag kang matatakot, Ako'y kasama mo, MULA SA DULONG SILANGAN hanggang sa kanluran, Ay titipunin ko kayo At ibabalik sa dating tahanan.” (Isaias 43:5 MB)

“FROM THE FAR EAST I will bring your offspring; and from the far west I will gather you.” (Isaias 43:5 Moffatt)

see link for more info::
http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/09/ipinangako-ni-cristo-ang-muling.html?m=1



ORIGINAL POST:
https://m.facebook.com/groups/181545829400075?view=permalink&id=218206465734011&sfnsn=mo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento